-- Advertisements --

Pinalawig ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hanggang Biyernes, Agosto 21, ang libreng towing service para sa mga sasakyan at motorsiklong nasiraan, naipit o hindi makaalis dahil sa baha.

Layunin ng extension na mas maraming motorista ang matulungan habang patuloy na inaayos ang epekto ng pagbaha sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, nasa siyam na sasakyan na ang natulungan ng ahensya sa pangunguna ng Special Operations Group-Task Force Road Clearing (SOG-TFRC).

Dinadala ang mga sasakyan sa kanilang mga bahay o repair shop, depende sa kahilingan ng may-ari.

Pinapayuhan ang mga motorista na nangangailangan ng towing assistance na makipag-ugnayan lamang sa MMDA upang makakuha ng tulong.