Muling itinalaga si Vice President Sara Duterte na caretaker na bansa habang nasa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para dumalo sa ika-77 United Nations General Assembly (UNGA) sa New York.
Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Ito na na ang ikalawang pagkakataon na itilagang officer-in-charge (OIC) si Vice President Sara.
Una ay noong nagkaroon ng state visits sa Indonesia at Singapore si Pangulong Marcos noong Setyembre 4 hanggang 7, 2022.
Nakipagpulong noon si Duterte sa mga head ng security sector para pag-usapan kung papaano mapanatili ang peace and order sa bansa habang nasa ibayong dagat ang Pangulong Marcos.
Kung maalala, dakong alas-8:00 ng umaga kanina nang tumulak ang Pangulong Marcos pa-Estados Unidos at babalik na ito sa bansa sa Setyembre 24.