-- Advertisements --

Hiniling ni Vice President Sara Duterte sa Senado na sagutin ang gastusin para sa pagkain, inumin, at catering services ng kanyang defense team, support staff, at mga testigong lalahok sa kanyang impeachment trial.

Sa liham na may petsang Hulyo 7, 2026 na ipinadala kay Senate President Sherwin Gatchalian, inilahad ni Duterte ang mga arrangement na nais niyang ipatupad sa buong panahon ng paglilitis.

Kabilang sa kanyang mga kahilingan na ang lahat ng pagkain at inumin para sa kanyang kampo ay ihain lamang sa itinakdang holding room at magmula sa accredited caterer ng Office of the Vice President (OVP).

Layunin aniya nito na matugunan ang security concerns at matiyak ang kaligtasan ng kanyang defense team, support staff, at mga testigo.

Kasabay nito, hiniling din ng Bise Presidente na ang Senado ang sumagot sa lahat ng kaugnay na gastusin sa paglilitis.

Sa pagtatapos ng kanyang liham, sinabi ni VP Sara na umaasa siyang aprubahan ng Senado ang kanyang mga kahilingan sa buong panahon ng impeachment trial.