-- Advertisements --

Nanawagan si Vice President Sara Duterte ng sa publiko na maging kalmado matapos ang pagtama ng malakas na paglindol sa bahagi ng Davao Occidental.

Sinabi nito na lubhang nakakabahala ang nasabing lindol at noong siya ay alkalde ng Davao ay nakaranas rin ito ng malakas na lindol.

Hindi aniya maiwasan ang matinding trauma na dala ng nasabing lindol kaya mas maigi na maging kalmado.

Pagtitiyak niya na ginagawa ng gobyerno ang mga makakaya para mahatiran ng tulong ang mga nasalanta ng nasabing lindol