Hinikayat ni Vice President Sara Duterte ang mga mamamayan na bumuto base sa mga nagawang accomplishtment at plano ng isang kandidato at hindi sa apleyido lamang.
Sinabi nito na mahalaga na pakinggan ang pangako ng mga pulitiko at tignan ang mga nagawa nila noon at kung ano pa ang kanilang kapasidad at abilidad.
Hindi dapat tignan ang apeliyedo lamang dahil ang importante ay ang mga pangako at naging paninindigan nito ganun din kung ano ang gagawin nito sa bansa.
Naniniwala din ito na ang tao ay may kapangyarihan na baguhin ang kasalukuyang lagay ng bansa sa pamamagitan ng pagpili ng nararapat, tapat at may mararapat na manilbihan sa bansa.
Hindi naman nagbanggit ang bise presidente kung sino ang tinutukoy nitong mga kandidato na mararapat na iboto at hindi iboto.