-- Advertisements --

Kinumpronta ni Senator Franciz Escudero si Department of Public Works and Highways (DPWH) Vince Dizon ukol sa anomalya sa flood control projects.

Naganap ang komprontasyon sa deliberasyon ng 2026 budget ng DPWH kung saan pansamantalang sinuspendi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang sesyon.

Tinanong ni Escudero si Dizon kung ano ang nagkumbinsi sa kaniya para kasuhan sina dating House Speaker Martin Romualdez at ang nagbitiw na si Ako-Bicol Partylist Zaldy Co.

Sinagot naman ng Kalihim na ang rekomendasyon na magsampa ng kaso ay matapos ang isinagawa nilang inspeksyon ng DPWH sa Oriental Mindoro na kinasangkutan ng Sunwest Corporation ang kumpanya ni Co.

Wala din aniyang takot si Dizon na kasuhan si Romualdez kahit na ito ay pinsan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.