-- Advertisements --

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa kaniyang mga supporters na igalang ang anumang magiging resulta ng halalan.

Kasunod ito sa paglayo na ng agwat ng kalamangan ng katunggali nito sa pagkapangulo na si dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sa kaniyang talumpati nitong umaga ng Mayo 10 doon sa bahay niya sa lungsod ng Naga, sinabi nito na alma niya kung gaano kamahal ng mga mamamayan ang bansa at hindi siya papayag na sa nasabing pagmamahal ay siya ang magiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng bansa.

PInasalamatan din nito ang mga mamamayan na sumuporta sa kaniya kung saan hindi masusuklian ang kanilang ginawang sakripisyo.

Tiniyak din nito na magpapatuloy ang kaniyang ipinagsisigawan sa halalan na “Angat Buhay sa Lahat”.