NAGA CITY- Masaya ang Bise Presidente sa pagiging bahagi nito sa isinagawang groundbreaking ceremony ng ipapatayong RT-PCR Modular Laboratory Building sa Naga City.
Sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo, sinabi nito na kung tutuusin aniya, tila naging pahirapan pa ang pagsasagawa ng testing sa Bicol Region dahil tanging ang Legazpi lamang ang mayroon nito.
Ngunit ngayon aniya, na mayroon na rin ang Naga City, magagamit umano ito hindi lamang sa COVID-19 gayundin sa HIV testing sa mga susunod na panahon at kung maaari aniya ay mai-expand pa ito sa iba pang testing.
Kaugnay nito, nag-abiso rin si Robredo na habang tinatayo pa lamang ang nasabing pasilidad ay magsimula ng ihanda ang kailangang dokumento para sa certification.
Saad kasi nito na marami ang naging problema ng ibang mga lugar pagdating sa sertipikasyon.
Samantala, paalala rin ng alkalde na patuloy na sumunod sa mga protocols na ipinapatupad ng pmahalaan.
Sa ngayon aniya, ang lungsod ng Naga ay pasok sa low transmission ng COVID-19.