-- Advertisements --

Hindi raw sisipot si Vice President Mike Pence sa farewell ceremony ni outgoing President Donald Trump sa Joint Base Andrews.

Lumabas ang balitang ito matapos pormal na ianunsyo ni Pence na pupunta ito sa inagurasyon ni President-elect Joe Biden at Vice President-elect Kamala Harris, kasama ang kaniyang asawa na si outgoing second lady Karen Pence.

Magiging hamon naman para sa bise presidente na magpakita sa presidential inauguration maging sa farewell ceremony ni Trump na gagawin apat na oras bago ang panunumpa ni Biden.

Nagpasalamat naman si Pence sa pribilehiyo na ipinagkatiwala sa kaniya ng mamamayan ng Amerika upang maglingkod bilang bise presidente ng bansa sa nagdaang apat na taon.

Itinuturing aniya nitong karangalan ang paglingkuran ang Amerika katuwan ang kaniyang maybahay na si Karen at buong pamilya Pence.

Bukod kay Pence ay hindi rin dadalo sa send-off ni Trump ang dalawang Republicans mula sa Kongreso. Ito ay sina Senate Majority Leader Chuck Schumer at House Republican leader Kevin McCarthy dahil inimbitahan ang mga ito sa pre-inauguration church service ni Biden.

Inaasahan naman na dadalo military send-off ni Trump ang kaniyang pamilya, malalapit na aides at mga supporters.