-- Advertisements --

Nilinaw ng Malacañang na hindi kasali sa gagawing full-Cabinet meeting sa Lunes si Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman kasi miyembro ng gabinete si VP Robredo kaya hindi siya maimbitahan para dumalo.

Pero, tiniyak ni Sec. Roque na kung may mga bagong mungkahi si Robredo, bukas naman ang Malacañang na pakinggan ito.

Ayon kay Sec. Roque, sa ngayon ay wala namang bago sa mga iminumungkahi ni Robredo at ang mga inilalatag nitong solusyon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic ay ginagawa na ng gobyerno.

Inaasahang pangunahin sa magiging tutok ng Cabinet meeting ay kung ano pa ang pwedeng gawin ng pamahalaan para patuloy na makontrol ang bilang ng mga COVID-19 cases kasabay ng pangangailangang makapagbukas na rin ang maraming industriya o negosyo.