Nakatakdang pupulungin ngayong araw ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa isang Major Command Conference.
Layon nito ay upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon ng seguridad ng bansa habang nasa tatlong araw na state visit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Gagawin ang Command Conference sa Bulwagan Karunungan ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City ngayong tanghali.
Kabilang sa mga ipapatawag ni VP Sara ay ang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines, Chief ng Philippine National Police, Philippine Army Chief, Philippine Navy Chief, Philippine Air Force Chief, at iba pang opisyal ng security sector ng bansa.
Magugunitang, si VP Sara ay itinalaga ni Pangulong Marcos Jr na Officer-in-Charge ng bansa habang nasa byahe ang presidente.