-- Advertisements --
Hindi titigil si Vice President Sara Duterte sa paglaban sa kurapsyon sa gobyerno.
Sa kaniyang 2025 accomplishment report ng Office of the Vice President ay sinabi niyang ipagpapatuloy pa rin nito ang paglaban sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa kurapsyon.
Nais nito ng ipakita na ang kaniyang tanggapan ay may malasakit sa pamamagitan ng paglaban sa kurapsyon para sa kaunlaran ng bansa.
Una ng sinabi ng Bise Presidente na dapat ay kasuhan din si Pangulong Ferdinand Marcos dahil sa mga anomalya ng flood control projects sa bansa.
















