-- Advertisements --

Sisimulan na bukas ng Commission on Elections (Comelec) ang registration para sa barangay at SK elections sa buwan ng Disyembre.

Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, maging ang online filing ng application para sa reactivation ng mga botante ay magsisimula rin ngayong araw hanggang sa Hulyo 19.

Kasama rin sa voter’s registration ang mga magta-transfer o lumipat na ng tirahan at para sa mga na-deactivate.

Ang mga overseas voters naman daw na nasa Pilipinas na ay puwede nang mag-transfer ng rehistro para sa isasagawang local election.

Mayroon naman daw itatalagang express o special lane para sa mga buntis, persons with disabilities (PWDs) at senior citizens.