-- Advertisements --

Asahan pa rin ang mga pag-ulan sa malaking parte ng Visayas at ilang lugar sa Mindanao, kahit nasa Palawan area na ang binabantayang low pressure area (LPA).

Ayon sa Pagasa, namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 210 km timog silangan ng Puerto Princesa City, Palawan.

Maliit pa rin ang tyansa nitong lumakas bilang bagong bagyo.

Maliban dito, mararanasan pa rin ang bahagyang paglamig ng temperatura at paghahatid ng ulan sa extreme Northern Luzon, dahil sa hanging amihan.