Gumaling na mula sa cancer ang beteranong volleyball coach na si Roger Gorayeb.

Kinumpirma ito mismo ng dating Ateneo player Gretchen Ho matapos na makausap niya si Gorayeb.

Sinabi ni Gorayeb na nagkaroon ito ng serum test noong nakaraang buwan at lumabas na negatibo ito kaya cancer-free na siya.

Noong nakaraang taon ay na-diagnosed siya ng multiple myeloma ang nasabing coach.

Nagsagawa pa ng fundraising activities ang mga dating manlalaro nito noong Setyembre 2019 para sa tuluyan nitong paggaling.

Nitong Enero ay nagdiwang sila matapos na nakapaglakad na ang coach matapos ang ilang buwang pananatili sa pagamutan.