Napanatili ng bagyong Verbena ang lakas nito habang tinatahak ang Negros Island Region.
Base sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa karagatang bahagi ng Pinamungahan, Cebu.
Mayr taglay pa rin ito na lakas ng hangin ng hanggang 55 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 90 kph.
Nakataas pa rin ang typhoon signal number 1 sa mga lugar ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon; Araceli, Taytay, El Nido, Dumaran, Roxas, San Vicente, Puerto Princesa City sa Palawan kasama na ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands; Balud, Mandaon, Milagros, Cawayan, Placer, Pio V. Corpuz, Esperanza, Uson, Dimasalang, City of Masbate, Mobo, Palanas, Aroroy, Cataingan, Baleno sa Masbate; Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Cebu, Bohol, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte; Dinagat Islands, Surigao del Norte; Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, San Miguel, City of Tandag, Tago sa Surigao del Sur; Agusan del Norte; Sibagat sa Agusan del Sur ; Camiguin, Misamis Oriental; (Sapang Dalaga, Calamba, Baliangao, Plaridel, Lopez Jaena, Oroquieta City, Aloran, Panaon, Jimenez, Concepcion sa Misamis Occidental; Jose Dalman, Manukan, Pres. Manuel A. Roxas, Katipunan, Dipolog City, Polanco, Piñan, Dapitan City, La Libertad, Sibutad, Rizal, Mutia sa Zamboanga del Norte.
Ayon pa sa PAGASA, na makakaranas na malakas pag-ulan ang mga lugar kung saan nakataas ang typhoon signal.
Sa ikatlong pagkakataon ay nag-landfall ang bagyo sa Talisay, Cebu dakong 2:40 ng umaga.
Magpapatuloy ang paggalaw ng bagyo sa Visayas at northern Palawan.
Inaasahan na sa umaga ng Nobyembre 27 ay tuluyang makakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang nasabing bagyo.
















