-- Advertisements --

Bahagyang bumilis ang bagyong Verbena at ito ay nasa bisinidad na ng Inabanga, Bohol.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Inabanga, Bohol.

Mayroong taglay na lakas na hangin ito na 55 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 90 kph.

Nakataas ang typhoon signal number 1 sa mga lugar ng Luzon: Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon; Araceli, Taytay, El Nido, Dumaran, Roxas, San Vicente, Puerto Princesa City sa Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands;Balud, Mandaon, Milagros, Cawayan, Placer, Pio V. Corpuz, Esperanza, Uson, Dimasalang, City of Masbate, Mobo, Palanas, Aroroy, Cataingan, Baleno sa Masbate.

Sa mga lugar ng Visayas ay nakataas din ang signal number 1 na kinabibilangan ng Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Cebu, Bohol, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, at Southern Leyte.

Habang sa Mindanao ay mga lugar ng : Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur Camiguin, Misamis Oriental; Baungon, Libona, Manolo Fortich, Sumilao, Impasug-Ong, City of Malaybalay, Malitbog, Cabanglasan sa Bukidnon; Sapang Dalaga, Calamba, Baliangao, Plaridel, Lopez Jaena, Oroquieta City, Aloran, Panaon, Jimenez, Concepcion sa Misamis Occidental ;Jose Dalman, Manukan, Pres. Manuel A. Roxas, Katipunan, Dipolog City, Polanco, Piñan, Dapitan City, La Libertad, Sibutad, Rizal, Mutia sa Zamboanga del Norte.

Matapos ang pag-landfall nito sa Jagna, Bohol nitong 11:10 ng gabi ng Lunes ay tatawid ito sa Visayas at Palawan bago dumiretso sa West Philippine Sea ng umaga ng Nobyembre 26.

Inaasahan na makakalabas na ang bagyong Verbena sa araw ng Huwebes Nobyembre 27 ng madaling araw o hanggang umaga.

Ibinabala pa rin ng PAGASA ang pag-ulan dulot ng nasabing bagyo.