-- Advertisements --

Nakabalik na sa puwesto si Jose Arnulfo “Wick” A. Veloso bilang pangulo at general manager ng Government Service Insurance System (GSIS) matapos na tanggalin ng Ombudsman ang dalawang buwan na suspension nito.

Iniimbestigahan kasi ito sa pinasok na investment ng GSIS na lumabag sa kanilang polisiya.

Paliwanag ni Veloso na ang ginawang investment ng GSIS sa online gaming company na DigiPlus Interactive Corp ay tumubo ng 10 percent mula sa P1-bilyon investment stocks nito sa loob ng dalawang taon.

Nakalikom aniya na sila ng P139 milyon mula sa stock investment .

Hinikayat niya ang hindi nagpakilalang nagreklamo na dapat kinausap muna sila para maipaliwanag kung paano ang pagkita ng gobyerno sa investment stock.