Kinumpirma ng mga matataas na opisyal ng Moderna na magtatayo sila ng facility sa bansa.
Ito’y kasunod sa pulong nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Moderna Chief Commercial Officer Arpa Garay at Senior Vice President and General Manager Patrick Bergstedt na magtatayo sila ng “Shared Service Facility for Pharmacovigilance” na magbubukas ng mas maraming employment opportunities sa mga health professionals sa bansa.
Paliwanag ni Garay na ang nasabing facility sa Pilipinas ay magsisilbi sa buong Asia Pacific Region, matapos ang matagumpay ng public-private partnership sa pagitan ng Philippine government at Moderna.
Binigyang-diin ni Bergstedt na ang Pilipinas ang siyang perfect location para sa kanilang ikatlong shared service facility sa mundo.
Sa sandaling maging operational, ito ang nag-iisang shared service facility sa Asya at ang ikatlo sa buong mundo bukod sa Poland at sa Georgia sa United States.
Ang nasabing facility ay maaaring makapag employ ng 50 staff na binubuo ng health professionals na posibleng itayo sa Makati o sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Pinasalamatan naman ng Pangulo ang Moderna sa kanilang hakbang na magdudulot ng advantage sa healthcare ng Pilipinas.