-- Advertisements --

Lumobo na sa mahigit P8.6 billion ang utang ng gobyerno ng Pilipinas nitong panahon ng COVID-19 pandemic, partikular na para sa buwan ng Abril.

Ito na ang itinuturing na pinakamataas na outstanding debt ng Bureau of Treasury, base sa kanilang mga hawak na record.

“The National Government’s (NG) outstanding debt stood at P8,600.31 billion as of end-April 2020, a P122.89 billion or 1.5% increment from the end-March level primarily due to domestic securities issuance and external loan availments. To date, NG debt grew by 11.2% for the first 4 months of the year driven by the 5.1% increase in external debt and the 14.4% increment to domestic liabilities. Of the total outstanding debt stock, 33% were sourced externally while 67% are domestic debt,” saad ng kalatas mula sa Bureau of Treasury.

Nasa P87.34 billion naman ang nakuhang external loans ng gobyerno para matugunan ang mga pangangailangan dahil sa COVID-19.

Kung susuriin, higit na malaki ng 1.5 percent ang April debt kumpara sa pagkakautang noong Marso.