-- Advertisements --

Nilinaw ni US Vice President JD Vance na hindi nakikipag-giyera ang US sa Iran.

Kasunod ito sa ginawang pag-apruba ni US President Donald Trump na bombahin ang nuclear sites ng Iran
.
Sinabi ng US Vice President na hindi sila nakikipag-giyera sa Iran at ang tanging pakikipag-giyera nila ay ang nuclear program.

Dagdag pa nito naging maingat si Trump sa nasabing pag-dedesisyon na bombahin ang nuclear sites ng Iran.

Iginiit nito na kanilang pinagkakatiwalaan ang mga impormasyon na nakukuha sa kanilang intelligence community.

Paglilinaw nito na mahalaga ang agarang pag-atake at hindi na ipagpaliban dahil sa mas magdudulot pa ito ng matinding kaguluhan.