Inanyayahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga mambabatas ng Estados Unidos na bumisita sa Pilipinas.
Ito ay matapos na lagdaan ni President Donald Trump ang 2020 budget ng Estados Unidos na naglalaman ng probisyong nagbibigay ng kapangyarihan sa Secretary of State na ipagbawal ang pagpasok sa kanilang bansa ng mga taong nagpakulong kay Sen. Leila de Lima.
Sa isang pulong balitaan, iginiit ni Cayetano na “parang hindi well-thought of” ang batas na ito dahil panghihimasok ito sa judicial system ng Pilipinas.
Ayon sa leader ng Kamara, “weaponizing” ang ginagawa sa ngayon ng mga US solons.
Mas mainam ayon kay Cayetano na magtungo sa Pilipinas ang mga US solons para personal na makita ang sitwasyon sa bansa na aniya’y nanatili namang malaya at buhay ang demokrasya.