-- Advertisements --

Nagbabala si US President Joe Biden na hindi nagbibiro nang magsalita si Russia President Vladimir Putin tungkol sa paggamit ng mga tactical nuclear weapons pagkatapos makaranas ng kasawian mula sa Ukraine.

Aniya, sinusubukan ng US na alamin ang paraan ni Putin mula sa digmaan.

Nauna nang sinabi ng US at EU na dapat seryosohin ang nuclear sabre-rattling ni Putin.

Ibig sabihin ng sabre-rattling ay ang pagpapakita o pagbabanta ng puwersang militar.

Gayunpaman, sinabi ni US National Security Adviser na si Jake Sullivan noong nakaraang linggo na, sa kabila ng mga pahiwatig ng nuclear ng Moscow, walang nakitang palatandaan ang US na malapit nang maghanda ang Russia na gumamit ng nuclear weapon.

Samantala, nabawi ng Ukraine ang teritoryong sinakop ng Russia, kabilang ang sa apat na rehiyong iligal na pinagsama ng Russia kamakailan.

Dahil dito, nagpaalala si Biden na maaaring mangyari ang panganib ng isang nuclear na “Armageddon”.

Ito ay nangyari raw noong 1962 sa tinaguriang Cuban Missile Crisis.