Nakatakda raw magpulong sina Russian President Vladimir Putin at US counterpart Joe Biden sa Martes kasunod na rin ng namumuong tensiyon sa Ukraine.
Isasagawa ito sa pamamagitan ng video conference ayon sa Kremlin.
Sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov, ang pag-uusap ay isasagawa Martes ng gabi oras sa Russia.
Sinabi ng Washington at Kiev, Ukraine na nagpadala ang Moscow ng kanilang tropa sa border ng Ukraine at inakusahan ang Russia ng planong pananakop.
Pero itinanggi naman ng Russia ang naturang alegasyon at inakusahan naman ang West ng umano’y provocation, partikular na ang military exercises sa Black Sea.
Taong 2014 nang makuha ng Moscow ang Crimea mula sa Ukraine at sinuportahan ang separatists na lumalaban sa Kiev sa silangang bahagi ng naturang bansa.
Ang naturang hidwaan ay naging mitsa ng pagkamatay ng 13,000 katao. (AFP)