-- Advertisements --

Tiwala ang US na makakatulong ang China para mabuksan na ang Strait of Hormuz.

Ito ay matapos ang ginawang pagbisita ni US President Donald Trump sa China.

Ayon kay US Treasury Secretary Scott Bessent, na gagawin ng China ang lahat ng kanilang makakaya para mabuksan ang Strait.

Subalit ang diplomasya para sa pagtatapos ng giyera ay nakabinbin mula pa noong nakaraang linggo matapos na ibasura ng US at Iran ang pinakabagong proposal.

Magugunitang mahigit dalawang buwan na ang nakalipas ng isinara ng Iran ang Strait of Hormuz matapos na ilunsad ng US at Israel ang pag-atake.