-- Advertisements --

Nagtala ng record ang US matapos na magkampeon sa isang sikat na cheese competition ng France.

Nagwagi kasi si Emilia D’Albero sa Mondial du Fromage isang biennial even sa France o kilala sa English bilang Cheesemonger World Cup.

Siya lamang ang tanging American na nagwagi ng nasabing contest.

Dahil dito ay naniniwala siya na mababago na ang pagtingin sa mga cheesemonger na nagbibigay lamang mga samples at libre sa mga grocery stores.

Sa Europa kasi ito ay respetadong trabaho habang sa US ay minamaliit lamang ito.

Ginanap ang Mondial du Fromage sa Tours City kung saan mayroong siyam na events ang nasabing torneo.

Ilan sa mga challenges dito ay ang blind tasting, oral presentation, paghati ng cheese at iba pa.

Gunawa rin sila ng 3-D cheese sculpture kung saan ang ginawa ni D’Alberto ay isang bahagi ng buwan.

Nag-uwi siya ng premyong aabot sa $2,900 bilang grand prize.