-- Advertisements --

Nagpadala ang US ng warship sa Caribbean para tuluyang mapigilan ang paglaganap ng iligal na droga.

Ang nasabing hakbang ay isinagawa ilang araw matapos na sampahan ng US si Venezuelan President Nicoals Maduro at ilang senior official nito ng “narco-terrorism”.

Inakusahan kasi ng US ang Venezuela na sila ang nagdadala ng droga.

Mayroon pang $15 milyon na reward ang inilaan ng US para sa pakakadakip ni Maduro.

Binatikos naman ng Venezuela ang hakbang na ito ng US at sinabing isang uri ng “diversion” sa nangyayaring coronavirus pandemic at magdadala lamang ito ng kaguluhan sa dalawang panig.