-- Advertisements --

Nakatakdang makipagpulong si US President Donald Trump at si Venezuelan opposition leader Maria Corina Machado.

Ayon sa White House, na gaganapin ang pagkikita ng dalawa sa araw ng Huwebes.

Ito ang unang pagkakataon na magkikita sina Trump at Machado matapos ang pagkakaaresto ni Venezuelan President Nicolas Maduro.

Una ng sinabi ni Trump na nais niyang mamuno si Machado sa Venezuela subalit ang pinaupo ay ang Bise President na si Delcy Rodriguez.

Si Machado ay nagwagi ng Nobel Peace Prize noong 2025 kung saan una ng nakapulong nito si Pope Leo XIV at hiniling niya sa Santo Papa na mamamagitan sa pagpapalaya sa mga dinukot at nawalang mga Venezuelan.