-- Advertisements --

Pormal ng inanunsiyo ni United States Defense Secretary Pete Hegseth ang paglunsad ng US military laban sa “narco-terrorist”.

Kasunod ito sa paglalagay nila ng mga aircraft carrier, fighter jets, at sundalo sa karagatan ng Latin America.

Sinabi ng opisyal na ang Operation Southern Spear ay pangungunahan ng Joint Task Force Southern Spear at US Southern Command.

Ang misyon ay depensahan ang US para matanggal ang narco-terrorists mula at maprotektahan ang mamamayan sa iligal na droga.

Magugunitang nagsagawa na ng 20 na airstrike ang US sa mga bangka na hinihinalang nagdadala ng iligal na droga sa Caribbean at Pacific.

Ang nasabing pag-atake ay kinondina ng United Nations na sinabing isang paglabag sa karapatang pantao ang ginawa nila.