berger1
-- Advertisements --

berger

Bumisita sa bansa ang Commandant ng United States Marine Corps (USMC) na si General David Berger nitong Biyernes hanggang Sabado.

Nakipagpulong si Gen. Berger kay Vice Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines (AFP) Lt. Gen. Erickson Gloria, Philippine Navy (PN) flag-officer-in-command (FOIC), Rear Adm. Adeluis Bordado, at Commandant of the Philippine Marine Corps (PMC) Maj. Gen. Ariel Caculitan.

Dito’y napag-usapan ang kahalagahan ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagmantini ng kapayapaan at Stabilidad sa rehiyon.

Sinabi ni Gen. Berger na mahalaga na mapahusay ang “interoperability” ng mga tropa ng Pilipinas at Amerika upang mabilis na maka-responde sa mga krisis o emergency.

-- Advertisement --
berger2

Tinalakay ni Gen. Berger sa kanyang counterpart MGen. Caculitan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “realistic training” sa pagitan ng USMC at PMC, sa mga ehersisyo tulad ng “Kamandag” at “Balikatan”.

Sinabi ni Berger na mahalaga sa kaniya ang pagbisita sa Pilipinas dahil ang kooperasyong pandepensa ang haligue ng 70 taon na malapit na relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

“This is a very important trip for me to visit leaders of the Armed Forces of the Philippines in person. Our defense cooperation has been the cornerstone of 70 years of close and strengthening partnership,” pahayag ni Gen. Berger.