-- Advertisements --
Umakyat na sa 100,572 ang bilang ng mga nasawi sa Estados Unidos dahil sa COVID-19.
Habang ang mga nagpositibo naman sa kanilang bansa ay 1,725,275.
Ang USA ang nangunguna sa listahan sa dami ng mga bansang may COVID cases.
Sa kasalukuyan mayroong 5,687,810 COVID-19 cases sa buong mundo.
Mula sa naturang bilang, 2,850,780 (98%) ang nasa mild condition at 53,097 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.
Nakapagtala na rin ng 352,265 nasawi, habang may 2,431,668 na naka-recover.