Agad na nagpadala ang US ng mga sundalo nito sa Israel para tumulong sa pag-monitor ng ceasefire sa Gaza.
Ang mga sundalong ipinadala ay dating naka-base na sa Middle East.
Magtatayo ang US military ng multinational taskforce sa Israel o kilala bilang civil-military coordination center.
Dito ay makakasama nila ang mga sundalo mula sa Egypt, Qatar, Turkey at sa United Arab Emirates.
Wala ding ilalagay ang US ng mga sundalo sa Gaza dahil ang trabaho lamang nila ay gumawa ng Joint Control Center na siyang magkokontrol sa mga multinational force.
Ang taskforce ay pangungunahan ng US Central Command na nakabase sa Middle East at ito ang magmomonitor sa progress ng ceasefire agreement.
Tutulong din sila na makapag-coordinate ng humanitarian assistance.
Habang ang multinational force ay magbibigay ng impormasyon sa Hamas at Israel sa pamamagitan ng Egypt at Qatar ng sitwasyon sa ground.
Magugunitang inaprubahan ng Israel government ang unang bahagi ng Gaza deal sa Hamas na magtatapos sa ceasefire at pagpapakawala ng mga bihag at preso.