-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US President Joe Biden na mayroong 31 na M1 Abrams tanks ang kanilang ipapadala sa Ukraine.

Ang nasabing hakbang aniya ay base sa rekomendasyon ni US Defense Secretary Lloyd Austin para tuluyang maitaboy ng Ukraine ang puwersa ng Russia.

Ipinagmalaki pa ni Biden na ang nasabing mga tangke ng US ay siyang mapagkakatiwalaan sa buong mundo.

Ilang buwan pa ang abutin aniya bago ito makarating sa Ukraine at isasanay pa nila ang mga sundalo ng Ukraine kung paano gamitin ang nasabing tangke na pandigma.

-- Advertisement --

Paglilinaw din ni Biden na mahigpit ang pagtutulungan ng US at Europa para makamit ng Ukraine ang inaasam nitong kapayapaan.