-- Advertisements --
indo12

Nasa bansa ngayon ang Commander ng US Indo-Pacific Command na si Adm. John Aquilino kasabay ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng RP-US Mutual Defense Treaty (MDT).

Sa pagbisita ng top US Commander nagkaroon ng pagkakataon para makapulong nito ang mga opisyal sina Foreign Affairs SecretaryTeodoro Locsin Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, at AFP Inspector General LtGen. Franco Nemesio Gacal, hindi na nagawang humarap ni AFP Chief Lt Gen. Jose Faustino dahil nagpositibo ito sa Covid-19 sa kabila ng pagiging fully vaccinated ng heneral.

indo


Siniguro ni Adm. Aquilino ang commitment ng Estados Unidos sa Pilipinas at sa Indo-Pacific Region.

Ayon kay Adm. Aquilino,ipinakita ng Pilipinas at Amerika na kapwa sila “commited” sa kanilang Alyansa at handang magkasamang ipagtanggol ang isa’t isa para maitaguyod ang kapayapaan at istabilidad sa rehiyon lalo na sa West Phl Sea.Para sa AFP ang pagbisita ni Adm. Aquilino ay isang magandang pagkakataon para isulong ang mutual security interests ng Pilipinas at Amerika.

Si Adm. Aquilino ay una nang bumisita sa Pilipinas noong 2018 bilang Commander ng US Pacific Fleet.