Pumanaw na ang American chess grandmaster na si Daniel Naroditsky sa edad na 29.
Kinumpirma ito ng Charlotte Chess Center sa North Carolina kung saan nagsisilbi bilang coach si Naroditsky subalit hindi na binanggit pa ang detalye ng kamatayan nito.
Sumikat ang 29-anyos na chess grandmaster dahil sa pag-livestream ng kaniyang laro at pagtuturo rin sa mga interesadong maglaro ng chess.
Isinilang sa San Francisco Bay Area kung sa edad na anim ay natutuo itong maglaro ng chess.
Noong high school pa lamang siya ay tinanghal siya bilang grandmaster ang pinakamataas na pagkilala ng International Chess Federation.
Nagwagi ito ng grade-level national championships ng dalawang beses at sa fifth grade ay naging pinakabatang manlalaro na nagwagi ng California K-12 Championship.
Noong Nobyembre 2007 ay nakamit niya ang under-12 World Youth Chess Champion.