Pinaplano ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng US ang panibagong serye ng pagpupulong sa mga susunod na araw upang isapinal ang posibilidad na pagsasagawa ng military exercises.
US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, walang eksaktong araw kung kailan ito simulan ngunit tiyak aniya na mangyayari ito dahil mayroon nang paunang pag-uusap ukol dito.
Target kasi ng dalawang bansa aniya na isapinal ang mas maraming tulong na magmumula sa US, katulad ng ibat ibang financial grants, large-scale exercises, at iba pang pagsasanay na kinabibilangan ng militar ng dalawang bansa.
Ayon sa US ambassador, bahagi pa rin ito ng pagnanais ng US na mapalapit sa Pilipinas, at matulungan sa pagnanais ng bansa na magawang moderno ang militar nito.
Maalalang una na ring nakipagpulong si PBBM kay US VP Kamala harris noong kapwa dumalo ang mga ito sa ASEAN summit sa Indonesia nitong nakaraang linggo.
Kabilang sa mga naging topiko ng dalawang lider ay ang pagkakaroon ng mas matatag na ugnayan sa militar at kalakalan.