Nagsalita na sa unang pagkakataon ang Iran Supreme leader mula ng sumiklab ang anti-government protest sa kanilang bansa kasunod ng pagkamatay ng isang 22 anyos na Iranian woman na si Mahsa Amini habang nasa kustodiya ng police.
Ayon kay Iran Supreme leader Ayatollah Ali Khamenei na ang nangyayaring “riots” sa kanilang bansa ay pakana ng tinawag nitong “arch-enemies’ ng Iran, ang Amerika at ng kanilang kaalyado na fake Zionist regime, ang Israel.
Isinisi ng Supreme leader ang nangyayaring kaguluhan sa kanilang bansa na bahagi umano ng foreign effort para ma-destabilize ang Iran at pagtatangaka para mapigilan ang ‘progress’ ng kanilang bansa
Una ng nagpahayag ng pagkabigla ang Amerika sa naging bayolenteng tugon ng Iran sa mga kilos-protesta kung saan pumapalo na sa halos 100 katao ang nasawi.
Ayon kay US President Joe Biden, siya ay nababahala sa mga napaulat na umiigting pa na violent crackdown sa mga protesters na panawagan lamang ay just at universal principles at nakikiisa sa mga kababaihang Iranian nationals na inspirasyon sa mundo sa kanilang katapangan.
Nagpataw na rin ang Amerika ng sanctions sa morality police ng Iran at sinabi ni Pangulong Biden na ngayong linggo ang kaniyang administrasyon ay magpapataw ng karagdagang sanctions sa mga perpetrating violence laban sa mga mapayapang nagpoprotesta.