-- Advertisements --

CEBU CITY — Ikinatuwa ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang unti-unting pagbaba ng mga pasyenteng nagpapagaling matapos madapuan ng coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod.

Ito’y matapos na umabot sa 197 ang active cases sa lungsod at walang nai-ulat na mga namatay sa nakalipas na 10 araw.

Sa naging pagbisita ni DENR Sec. Roy Cimatu sa lungsod, sinabi ng alkalde na halos tumugma ang COVID-19 cases ng City Health Department at ng Department of Health (DOH)-7.

Umaasa ngayon si Labella at ng Emergency Operations Center na bababa pa ang bilang ng mga pasyente kung magpapatuloy ang trend nito sa darating na mga panahon.

Una nang sinabi ni Cimatu na naging epektibo ang mas pinahigpit na interventions sa lungsod mula nang isinailalim ang buong Cebu City sa enhanced community quarantine noong Hulyo.

Payo ngayon ng alkalde sa publiko na huwag magpakampante at gawin ang minimum health and safety protocols sa lahat ng panahon.