-- Advertisements --

Tumaas pa ang unemployment rate sa Pilipinas sa mga nakalipas na buwan.

Ayon sa latest Labor Force Survey na inilabas ngayong araw ng Philippine statistics Authority (PSA) umakyat sa 8.9% ang unemployment rate o katumbas ng 4.25 million jobless na Pilipino noong buwan ng Setyembre kumpara sa datos noong Agosto na nasa 8.1%.

Nasa kabuuang 6.18 million naman ang mga underemployment o bahagyang mas mababa kumpara sa 6.48 million sa nakalipas na buwan.

Ang kabuuang employment rate naman noong Setyembre umabot ng 91.91% o 43.59 million mas mababa kumpara noong Agosto.

Sa pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA), bagamat aabot sa P41.4 trillion ang lugi sa susunod na 40 taon dahil sa pandemiya, inaasahang makakabawi ang ekonomiya ng bansa ng P3.6 billion sa bawat linggo at matatapyasan naman ang bilang ng mga walang tranaho ng hanggang 16,000 kung luluwagan sa alert level 2 ang Metro Manila.