Tiniyak pa rin ni dating Indiana Mayor Pete Buttigieg (Buddajej) na gagawin nito ang lahat ng makakaya para mauwi sa panalo ng Democrats ang US presidential election sa Nobyembre ngayong taon.
Sa pagharap sa mga tagasuporta nito sa kanyang hometown sa South Bend, inanunsyo nito na umaatras na siya sa pagiging Democratic presidential candidate.
“And so we must recognise that at this point in the race, the best way to keep faith with those goals and ideals is to step aside and help bring our party and our nation together. So tonight I am making the difficult decision to suspend my campaign for the presidency,” saad ng 38-year-old former mayor.
Si Mayor Pete ang pinakaunang presidential candidate na agad inilantad sa publiko ang pagiging bading.
Kaugnay nito, bago magtalumpati kaninang umaga (Manila time o Linggo ng gabi sa Amerika), ang partner nitong si Chasten ang unang humarap sa kanilang supporters at siya ring nag-introduce kay Pete, kasunod ng kanilang yakapan sa stage.
Nabatid na ang pag-urong ng dating alkade sa kanyang kandidatura, ay ilang araw bago ang tinaguriang “Super Tuesday” kung saan nasa 14 na estado ang magbobotohan.
Sa ngayon ay anim na lamang na Democrats ang nakatakadang tumakbo sa inaabangang halalan sa Amerika. (BBC)