-- Advertisements --

Inaprubahan ng United Nations ang resolution na nanawagan ng agaran at pinalawig na humanitarian na tigil putukan ganun din ang pagbubukas ng mga daanan sa Gaza Strip ng ilang araw.

Nakakuha ng 13-0 na boto ang resolution kung saan nag-abstain ang US at Russia sa botohan.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay ibineto ng US ang nasabing draft resolution.

Ang botohan ay naantala ng ilang araw dahil sa inayos ng council ang mga laman nito.