-- Advertisements --

Muling nanawagan si United Nation Secretary General Antonio Guterres sa mga bansang US at Israel na tapusin na ang giyera sa Iran.

Sinabi nito na tumitindi na ang epekto ng giyera sa Gitnang Silangan.

Gaya aniya sa mga naganap na giyera sa Lebanon na kaniyang binisita ay labis itong nalungkot dahil sa pinsala.

Mahalaga aniya na magkaroon ng pag-uusap ang mga bansa para tuluyang isantabi ang anumang sigalot.

Magugunitang mula pa noong simula ng pinagsamang pag-atake ng US at Israel sa Iran ay nanawagan na sa pagtigil na ng giyera.