NAGA CITY- Patay ang pinaniniwalaang miyembro ng isang progresibong grupo matapos ang isinagawang search warrant na nauwi sa armed confrontation sa Barangay Balogo, Pasacao, Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si Roger Mesolas, 40-anyos, pinaniniwalaang miembro ng Militiang Bayan (MB),NPSRL, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na una ng sinilbi ang Search Warrant for Violation of RA 10591 na pinirmahan ni Hon.Jose O Agualada III, Presiding Judge of MTC 5th Judicial Region, Pasacao, Camarines Sur.
Nabatid na habang sinisilbi ang nasabing kautusan ng mauwi sa armed confrontation na nagresulta ng agarang pagkamatay ng naturang suspek.
Base sa imbestigasyon narecover dito ang isang caliber .45 pistol, limang cartridge at dalawang pirasong 5.56 mm fired cartridge cases.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.