-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan ng Minorya sa Kamara ang kwestiyunable umanong pagprocure ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ng bagong logo.

Sa inihaing House Resolution ng Minority bloc, nakasaad dito na nais nilang mabigyang linaw ang umano’y mga iregularidad sa naging procurement process ng PAGCOR para sa kanilang pagkuha ng bagong logo.

Ayon kay House Deputy Minority leader Cong. France Castro, mahalagang masiguro ang transparency and accountability sa bawat hakbang na ginagawa ng mga ahensiya gobyerno.

Binigyang-diin ni Castro na importante aniya na magkasa ng house inquiry dahil hindi maaring magbulag-bulagan sa mga posibleng anumalya na nangyayari sa mga procurement process ng pamahalaan.

Dagdag pa ng Makabayan bloc lawmaker na mas mainam na inilaan na lamang sa mas makabuluhang proyekto na mapapakinabangan ng mga Pilipino.