Maaari pang magkaroon ng pagbabago ang tracking ng tropical storm Ulysses, kasabay ng paglapit nito sa Pilipinas.
Ayon kay Ana Cauren ng Pagasa forecasting center, pwedeng maapektuhan ito ng ibang weather system sa loob ng Philippine territory.
Pero sa ngayon, nananatiling Bicol Region-Quezon area pa rin ang target ng sama ng panahon.
Subalit patuloy na pinaghahanda maging ang mga nasa kalapit na lugar o itinuturing na uncertain areas.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 575 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay na nito ang mas lumakas pang hangin na 65 kph (mula sa dating 55 kph) malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Inaasahang bukas ay magtataas na ng tropical cyclone wind signals ang Pagasa para sa mga lugar na posibleng tamaan ng naturang sama ng panahon.