-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang US at Germany sa agarang tugon ng pagpapadala nila ng tangke na pandigma.

Ayon sa Ukrainian President na malaking tulong ang nasabing mga tangke para tuluyang maitaboy ang mga Russian forces na sumakop sa maraming lugar nila.

Magugunitang inanunsiyo ni Biden na magpapadala ito ng kanilang 31 na Abrams tanks habang ang Germany ay magpapadala ng 14 na Leopard 2 tankes.

Bukod pa aniya sa dalawang bansa ay nangako rin ang ilang mga bansa gay ang The Netherland na ikinokonsidera ang pagbili ng tangke sa Germany na kanilang ibibigay sa Ukraine habang ang Norway ay maaring magbigay din ng nasa walong Leopard 2 na tangke nila.

-- Advertisement --

Desidido rin ang Spain at Portugal na magpdala ng mga tangke na pandigma sa Ukraine bilang panlaban sa Russia.