-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigpit na sinasamahan ng mga anak at malapit na mga kaanak ng Royal family ang nagdadalamhati na si Queen Elizabeth II dahil sa nangyari na pagpanaw ng kanyang asawa na si Prince Philip sa United Kingdom.

Ito ay matapos inamin ng reyna na isang ‘huge void’ ang pagkamatay ng prinsipe na nakakasama nito sa loob ng 73 taon na namamahala sa buong kaharian ng Uropa.

Iniulat ng UK-based Bombo Radyo International News Correspondent na si Pinay nurse Eleanor Templeman mula Cagayan de Oro na hindi maitatago ang naramdaman ng mga tao dahil makikita sa mukha ng reyna kung paano nito pilit na magpakatatag sa pagpanaw ng kanyang asawa.

Ito ang dahilan na palagi nakamatyag ang mga anak ni Elizabeth sa kanyang mga galaw dahil na rin sa edad nito na 94.

Magugunitang nasa 30 ka tao lamang o mga miyembro ng Royal family ang opisyal na pinahihintulutan na makadalo sa nakatakdang isasagawa misa at maging paghatid sa mga labi ng prinsipe sa Windsor,UK sa darating na Abril 17.

Ito ay dahil ayaw ng pamilya ng reyna na malagay sa peligro ang kalusugan ng mga tao na masyadong napamahal kay Prince Philip na kabilang sa nagdadalamhati sa pagpanaw nito noong nakaraang linggo.