-- Advertisements --
Nakatakdang pauwiin ng United Kingdom ang mga tauhan ng mga embahada nito mula sa Iran.
Ayon sa UK Foreign, Commonwealth and Development Office , nais lamang nilang maging maingat dahil sa patuloy na labanan ng Iran at Israel.
Magpapatuloy ang lamang na mag-operate ang kanilang mga embahada.
Maguguntang nitong mga nakaraang araw ay pansamantala na rin nilang pinalikas ang mga miyembro ng pamilya ng kanilang staff ng embahada at konsulada dahil sa usapin ng seguridad.