conor McGregor
Conor McGregor/ IG post

Nagbigay ng one million euros o halos P400-M na halaga ng protective equipment si UFC star Conor McGregor.

Ang nasabing mga kagamitan ay ibinigay sa mga hospital staff na nangunguna sa paglaban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Hiniling din sa kaniya ni Ireland Finance Minister Paschal Donohoe na pagsabihan ang 7.9 million na Twitter follower nito na sundin ang social distancing.

Nanagawan naman ang Irish fighter sa gobyerno ng Irish government na paigtingin nila ang kanilang hakbang para sa paglaban sa virus.
Kung maaari ay dapat rin aniya na magpatupad ang kanilang gobyerno ng lockdown.