Target ni Mixed Martial Arts fighter Jon Jones na magaya ang record na 50-0 ni US boxing champion Floyd Mayweather Jr bago tuluyang magretiro.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroon na itong 23-0 win-loss record.

Hindi nito tinanggap ang sinasabing pagkatalo niya matapos na ma-disqualified dahil sa paggamit ng siko sa isang laban.

Sinabi pa ng 31-anyos na UFC fighter na hindi malayong mangyari ito dahil maraming nakapilang mga laban pa ito.

Makakaharap naman nito si Anthony Smith sa Linggo para sa UFC 235.